LAWYER PROFILE

Contact
Gary Michael Sarcida

Office:
(204) 956-0490 ext 4073

Email:


Gary Michael Sarcida
B.A., LL.B.

Si Gary Sarcida ay naging kabilang sa PULLAN KAMMERLOCH FROHLINGER bilang articling student noong 2004 at siya ay tinawag sa Bar noong June 2005. Mula noon siya ay nanatiling associate ng PULLAN KAMMERLOCH FROHLINGER magpa-hanggang ngayon. Si Gary ay may karanasan na sa lahat ng antas (level ) ng korte - Sa Manitoba Court of Appeal, Manitoba Court of Queen's Bench ( Civil at Family Divisions ); Sa Provincial Court ng Manitoba; Federal Court ng Canada at sa Small Claims Court. Siya ay humarap na din sa ilang administrative tribunals – tulad ng Automobile Inquiry Appeal Commission; sa Residential Tenancies Appeal Commission; sa Opisina ng Commissioner ng Review Tribunal-Pension Appeals; sa Immigration at Refugee Board ng Canada at sa License Appeal Board.

Bilang bahagi ng komunidad ng mga Pilipino sa Winnipeg, ang kakayahan ni Gary na makapagpahayag sa Tagalog at Ingles ay isang mahalagang ambag sa Pullan Kammerloch Frolinger. Si Gary ay tumutulong din sa Philippine Association of Manitoba Inc., sa Southeastman Filipino Association ng Manitoba Inc. at sa Manitoba Filipino Business Council Inc.

Naglingkod din si Gary bilang isa sa Board of Directors ng Folklorama at ng Folk Arts Council ng Winnipeg Inc. mula 2006 hanggang 2012. Sa kanyang panunungkulan, gumanap siya sa kapasidad na Kagawad ng Member Relations at Review Committees.

Siya ay puno ng kasigasigan at ang gumagabay na kasabihan kay Gary ay nagmula sa mga wika ni Vince Lombardi, "Na ang pagkaka-iba ng isang taong matagumpay sa iba ay hind sa kawalan ng lakas at talino sa halip ay sa kalawan ng parpupursige o determinasyon."

Labas sa kanyang propesyon bilang abogado, matatagpuan niyo si Gary sa golf course o ‘di kaya ay nanonood ng laban ng Lakers bilang isang tapat na tagahanga.