LAWYER PROFILE

Contact
Daniel M. Cleto

Office:
(204) 956-0490 ext 4079

Email:


Daniel M. Cleto
B.A., LL.B.

Si Dan Cleto ay naging kabilang sa PULLAN KAMMERLOCH FROHLINGER noong January 2013. Bago pa man siya naging kabilang sa nasabing Law Firm siya ay dating naglingkod din sa Criminal Duty Counsel’s Office ng Legal Aid Manitoba.

Si Dan ay nagtapos ng Abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas o UP noong 1991 at kasapi din sa Integrated Bar of the Philippines. Nagtrabaho siya bilang abogado sa gobyerno ng Pilipinas at may karanasan sa larangan ng Kriminal, Administratibo, Commercial at mga batas tungkol sa mga Ari-arian sa Lupa. Noong 1991, tumanggap siya ng study grant mula sa World bank sa larangan ng Human Resource Management and Development na programa ng International Management and Development Institute (IMDI) at ng University ng Pittsburgh sa America. Noong April 2010, nakumpleto ni Dan ang kanyang Law Degree equivalency sa Faculty of Law ng Universidad ng Manitoba o U of M at tumanggap siya ng Certificate of Accreditation o pagkilala mula sa Federation of Law Societies of Canada noong Augusto ng 2010.

Si Dan ay naging Special Assistant ng Ministry of Culture , Heritage and Tourism ng lalawigan ng Manitoba kung saan siya ay naglingkod at nakipag ugnayan sa ibat ibang ahensya o tanggapan, Boards, Councils at mga organisasyong etniko sa ilalim ng tanggapan ng Minister of Culture Heritage and Tourism.

Si Dan ay naglingkod din bilang volunteer sa Filipino community sa pamamagitan ng Logan Constituency Office tulad ng pagtulong sa mga immigrant sa usapin ng Batas tungkol sa mga ari-arian na naiwan sa Pilipinas at iba pang usapin na may kaugnayan sa mga batas at mga regulasyon ng Pilipinas. Ang kanyang volunteer service ay kinilala ng Manitoba Legislature at nakatala sa Hansard noong 2009. Si Dan ay patuloy na naglilingkod bilang volunteer sa pagtulong sa mga samahan ng mga Pilipino sa komunidad sa labas ng Winnipeg.

Masasalamin sa malawak at multinational na karanasang legal ni Dan ang kanyang iba’t- ibang involvement sa mga larangan ng Canadian criminal law, wills and estates, corporate at commercial transactions, real estate,domestic and family law, administrative law at civil litigation.

Sa mga panahong si Dan ay wala sa Korte sa 408 York o maging sa kanyang opisina sa downtown Winnipeg , makikita ninyo siya sa isang basketball court tuwing sabado’t linggo na tinuturuan ang kanyang anak maglaro ng basketball sa istilong Pilipino.